Ang itinuturo ng Bibliya na ito. Si Kristo ay banal, isang bahagi ng Trinity, ang Diyos ang kanyang sarili.
Juan 1:1
Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos.
Mga Taga-Colosas 1:15-19
15 Siya ang wangis ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay na pinakahigit sa buong sangnilikha. 16 Ito
ay sapagkat sa pamamagitan niya, nilalang ang lahat ng mga bagay na
nasa langit at mga bagay na nasa lupa, mga bagay na nakikita o hindi
nakikita. Ito man ay mga luklukan, o mga paghahari, o mga pamunuan, o
mga pamamahala. Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at
para sa kaniya. 17 At siya ay nauna sa lahat ng bagay at sa pamamagitan niya ay nananatiling buo ang lahat ng mga bagay. 18 At
siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya. Siya ang pasimula, ang panganay
mula sa mga patay upang siya ang maging kataas-taasan sa lahat ng bagay. 19 Ikinalugod ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahan sa kaniya.
Mga Taga-Colosas 2:9
Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang katawan ang lahat ng kapuspusan ng kalikasan ng Diyos.
1 Juan 5:7-8
7 May tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, ang Banal na Espiritu at ang tatlong ito ay iisa. 8 May tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakaisa.
No comments:
Post a Comment