Ang itinuturo ng Bibliya na ito. Sangkatauhan ay hindi tulad ng diyos, ngunit makasalanan at nakahiwalay mula sa Diyos ang mga tao ay maaari lamang magkaroon ng isang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Sangkatauhan, bukod sa Kristo, ay mawawala.
Mga Taga-Roma 5:12-19
12 Sa
kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa
sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan
ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat. 13 Ito
ay sapagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan na bago pa ibinigay ang
kautusan. Ngunit nang wala pa ang kautusan ang kasalanan ay hindi
ibinibilang. 14 Subalit
ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises. Ito ay
naghari maging sa kanila na ang kasalanan ay hindi tulad ng
pagsalangsang ni Adan na siyang larawan ng paparating na.
15 Subalit
ang kaloob ay hindi tulad ng pagsalangsang sapagkat kung sa
pagsalangsang ng isa, marami ang namatay, lalong higit ang biyaya ng
Diyos. At sa pamamagitan ng isang tao, si Jesucristo, ang kaloob sa
pamamagitan ng biyaya ay sumagana sa marami. 16 Ang
kaloob ay hindi tulad ng isang nagkasala sapagkat sa kasalanan ng isa,
ang hatol ay nagdala ng kaparusahan. Ngunit sa kabila ng maraming
pagsalangsang, ang walang bayad na kaloob ay nagbunga ng
pagpapaging-matuwid. 17 Ito
ay sapagkat sa pagsalangsang ng isang tao, naghari ang kamatayan sa
pamamagitan ng taong iyon. At lalong higit sa kanila na tumanggap ng
kasaganaan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran. Maghahari sila sa buhay
sa pamamagitan ng isang iyon, si Jesucristo.
18 Kaya
nga, sa pagsalangsang ng isang tao, napasalahat ng tao ang kaparusahan.
Sa gayunding paraan, sa gawa ng katuwiran ng isang tao, napasalahat ng
tao ang pagpapaging-matuwid ng buhay. 19 Ito
ay sapagkat sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging mga
makasalanan. Sa gayunding paraan, sa pagsunod ng isang tao, marami ang
magagawang matuwid.
No comments:
Post a Comment