Genesis 27: 14-21
14 Kumuha nga si Jacob ng kambing, at iniluto ng kanyang ina ang putahing gustung-gusto ng kanyang ama. 15 Binihisan ni Rebeca si Jacob ng pinakamagarang damit ni Esau na nakatabi sa bahay. 16 Ang mga braso at leeg ni Jacob na walang balahibo'y binalutan niya ng balat ng kambing. 17 Pagkatapos, ipinadala sa anak ang putahe na may kasama pang tinapay na niluto rin niya.
18 Lumapit si Jacob kay Isaac. "Ama!" sabi niya.
"Sino ka ba?" tanong nito.
19 "Ako po si Esau," sagot ni Jacob. "Nagawa ko na po ang inyong iniuutos sa akin. Narito na po ang gusto ninyong pagkain; bumangon na kayo at kainin na ninyo ito nang ako'y mabasbasan na ninyo pagkatapos."
20 "Napakadali mo naman yatang nakahuli?" tanong ni Isaac.
"Tinulungan po ako ni Yahweh na inyong Diyos," sagot ni Jacob.
21 Nagtanong muli si Isaac, "Ikaw ba talaga si Esau? Lumapit ka nga rito nang matiyak ko kung ikaw nga."